Venice

Ang lungsod na binuo sa tubig

Hindi kailanman nagmukhang totoo ang Venice, ngunit isang mapalamuting set sa pelikulang nakalutang sa tubig.

Frida Giannini

Maglakbay

Maligayang pagdating sa Venice, Italy, ang lungsod na itinayo sa tubig. Maglakbay sa mga kanal, maglakad sa mga kalye, sumakay sa mga bangka, tumawid sa mga tulay at planuhin ang iyong sariling pakikipagsapalaran sa isa sa mga pinaka-natatanging lungsod sa mundo.

Bumalik sa nakaraan

Tingnan kung paano nagbago ang lungsod sa paglipas ng mga siglo habang naglalakad ka sa mga pangunahing sandali sa kasaysayan ng Venice.

Tingnan ang hitsura nito sa kasalukuyan saGoogle Maps

Doge’s Palace, 1340

Nagsimula ang konstruksiyon ng makasaysayang tirahan ng Doge ng Venice noong 1340, at pinatagal upang matanaw ang Piazzetta ng St Mark's Square noong 1424. Kasama sa palasyo ang mga living quarter, kuwarto para sa negosyo at ang lumang bilangguan. Sa kalaunan inilipat ang bilangguan sa labas ng palasyo, ngunit nanatiling konektado ang dalawa sa pamamagitan ng Bridge of Sighs.

Teatro La Fenice, 1792

Kahit na natapos ang teatrong ito noong 1792, nasunog ito at sa dami ng beses na itinayo itong muli, nakamit nito ang pangalang "The Phoenix Theatre" para sa kakayahan nito na tumayo mula sa mga abo. Maraming mga mahahalagang opera ang nagsimula ng kanilang mundo dito, kabilang ang La traviata at La boheme.

Rialto Bridge, 1591

Ang Rialto Bridge ay ang pinakalumang tulay sa Venice, at ang unang istrakturang sumasaklaw sa Grand Canal. Kahit na natapos ang kasalukuyang tulay na bato noong 1591, itinayo ang unang tulay sa site na ito noong 1181.

Frari Iglesia, 1396

Sa pamamagitan ng di-malilimutang harapang gawa sa brick at matayog na kampanilya, kilala ang Basilica di Santa Maria Gloriosa dei Frari bilang tahanan ng mga masterpiece ng Renaissance. Ito rin ang huling hantungan ng sikat na ika-16 na siglong Venetian na pintor na si Titian.

Venetian Arsenal, 1104

Matutunton pa sa panahon ng Republic of Venice, ang complex ng mga shipyard at armory na ito ay isang napakalaking gawain noong kapanahunan nito. Responsable ang mga militar at pangkalakal na sasakyang-dagat na ginawa dito para sa maraming siglong kayamanan at kapangyarihan ng Venice.

St. Mark’s Square, ika-9 na siglo

Ang malamang na pinaka-tanyag na site sa Venice, ang Piazza San Marco ay ang matagal nang social hub ng lungsod. Nagtitipon ang mga Tao dito mula pa noong ika-9 na siglo nang itinayo sa lugar ang mga unang iglesia, at bumibisita pa rin ang mga lokal at turista sa Piazza para tangkilikin ang kape at ang tanawin ng St Mark's Basilica, ang Campanile at Doge's Palace.

Bridge of Sighs, 1602

Itinayo noong 1602, ginamit ang nakabakod na puting limestone na tulay upang ilipat ang mga bilanggo mula sa interrogation rooms sa loob ng Doge's Palace sa kanilang mga cell. Natatandaang napapa-buntong hininga (sigh) ang mga bilanggo habang tinitingnan ang kanilang huling pagtanaw sa Venice sa pagitan ng mga bintana ng tulay, ito ang kung paano nakuha ng lugar na ito ang malungkot na pangalan.

Simbahan ng San Giorgio Maggiore

Matatagpuan sa isla ng San Giorgio Maggiore, nakaupo ang sikat na simbahang ito sa buong canal mula sa St Mark's Square. Sinakop ang site na ito ng mga Romano at naging tahanan ng isang ika-10 siglong monasteryo ng Benedictine bago ang konstruksiyon ng Baroque na simbahan ng Italyanong nakatayo ngayon.

Maglibot sa lungsod

Paano ka lilibot sa isang lungsod nang walang kotse? Tingnan ang iba't ibang mga mode ng transportasyon sa arkipelago ng Venice.

Maglibot

Tingnan ang Venice sa pamamagitan ng mga mata ng mga artist sa pamamagitan ng pag-explore ng mga lokasyong naging inspirasyon ng mga sikat na gawa ng sining, available sa pamamagitan ng Google Cultural Institute.

Maligaw

Magpalakad-lakad sa mga lansangan at kanal ng Venice gamit ang Street View at makita kung ano ano ang iyong makikita.

Gusto ko

Pakikipagsapalaran

Maghanda para sa iyong araw sa Venice! Tuklasin ang mga sikat na site at masasarap na restaurant, ang lahat, may pahiwatig ng pakikipagsapalaran. Sa sandaling tapos ka na sa pag-explore, ipa-plot ang mga lokasyong iyong binisita sa isang mapa para maitago mo.

Gusto ko

Kasaysayan

Maghanda para sa iyong araw sa Venice! Mag-explore ng mga sikat na site at masasarap na restaurant na may mayamang kasaysayan. Sa sandaling tapos ka na sa pag-explore, ipa-plot ang mga lokasyong iyong binisita sa isang mapa para maitago mo.

Gusto ko

Romansa

Maghanda para sa iyong araw sa Venice! I-explore ang mga sikat na site at masasarap na restaurant, ang lahat, may bahid ng romansa. Sa sandaling tapos ka na sa pag-explore, ipa-plot ang mga lokasyong iyong binisita sa isang mapa para maitago mo.
Subukan ang isa pang pakikipagsapalaran