Everest Base Camp, Nepal

Umakyat sa Everest Base Camp

Isang malapitang pagtingin sa Everest Base Camp


Na-inspire mula sa kanilang pagmamahal sa pamumundok, apat na mga Googler ang nagpasyang pumunta sa isang paglalakbay sa Everest Base Camp noong 2011. Bago umalis natutunan nilang maaaring nilang kunan ng imagery ang trip para sa Google Maps gamit ang isang tripod at digital camera, at gawing available ang mga larawan sa Google Maps para makita ng lahat. Kaya ni-loadan nila ang kanilang pack ng mga camera, tripod, wide-angle lens, solar charger, baterya at laptop, at sumakay sa isang eroplano patungong Nepal.

Ang paglalakbay sa Everest Base Camp ay isang 12-araw na pakikipagsapalaran sa mga bundok kung saan sinagupa nila ang altitude sickness, lindol, mga mudslide, snow storm at flash flood upang maabot ang kanilang patutunguhan at makuha ang imagery na ito. Gamit ang mga kagamitang karaniwang ginagamit para sa programang Business Photos, nakunan nila ang isang koleksyon ng mga panorama sa mga pangunahing kampo at iba pang mga kagiliw-giliw na hintuan sa kahabaan ng daan, kabilang ang isang monasteryong Buddhist.

Nag-hike ang matapang na pangkat ng higit sa 70 milya (mga 50 oras) at naabot ang isang altitude na 18,192 talampakan -- mas mataas kaysa sa kahit saan na karatig ng US. Salamat sa kanilang mga pagsisikap, at sa pamumuno ng kanilang gabay na si Bhuwan Karki ng Adventure Treks Nepal, available na ngayon ang nakamamanghang imagery sa Street View.

Magbasa nang higit pa
I-explore sa Street View

I-explore ang higit pang mga view ng Everest Base Camp

I-explore sa Street View