Itinayo ang Taj Mahal, ang architectural crown jewel ng India, 350 taon na ang nakakaraan ng isang makapangyarihang pinuno bilang alay sa kanyang minamahal na asawa. Kilala ang bantayog na ito sa mga tao sa buong mundo dahil sa symmetry, puting marmol, at sa kuwento nito ng pag-ibig na naging dahilan sa pagkakatayo nito. Mayroong hindi mailarawang ganda ang gusaling ito na nakapukaw sa mga puso sa loob ng ilang henerasyon, at patuloy pa rin itong nang-aakit sa mga tao. Milyun-milyong mga tao sa buong mundo ang pumupunta sa Google upang matuto nang higit pa tungkol sa Taj Mahal, kahit na maaaring hindi na sila magkaroon ng pagkakataon na makarating doon kailanman.
Ngayon, maaari nang maranasan ng buong mundo ang Taj Mahal sa Street View. Mula sa ginhawa ng iyong computer, tablet o telepono, magsagawa ng isang 360-degree na paglalakbay sa paligid ng Taj Mahal na parang naglalakad sa paligid ng mismong gusali. Mag-enjoy sa mga tanawin na parang postcard o matuklasan ang mga bihirang-makitang mga pananaw; lapitan ang mga inukit ng kamay na detail at i-explore ang malawak na mga landscape. Isa lamang ang Taj Mahal sa maraming mga lokasyon sa India na nakolekta sa pamamagitan ng Street View Trekker. Ngayon maaari nang magkaroon ng isang virtual na paglalakbay ang mga tao sa buong mundo upang bisitahin ang mga makasaysayang monumento tulad ng Red Fort at Humayun's Tomb. Maranasan ang kagandahan at kahanga-hangang mga tanyag na kayamanan ng India, ngayon sa Google Maps.
Magbasa nang higit pa