Samburu
National Reserve,
Kenya

I-explore ang habitat ng mga elepante kasama ng organisasyong nagsisikap na mailigtas ang mga ito

Paglalakbay sa mga kapatagan ng Kenya


Matatagpuan ang Samburu National Reserve sa pampang ng Ewaso Nyiro River sa hilaga ng Mt. Kenya. Mahigit 20 taon nang pinag-aaralan ng Save the Elephants ang mga elepante sa rehiyong ito. Maging pamilyar sa mga tanawin, tao at wildlife ng Samburu.

Pag-unawa at pagprotekta sa mga elepante


Mga Indibidwal na Natukoy na Elepante

1,450

Mga Naitalang Obserbasyon sa Field

20,655

Oras ng GPS Tracking

845,000

Kilalanin ang mga pamilya ng elepante ng Samburu


Napakahalaga ng istraktura ng pamilya para sa mga elepante, at ang pangangalaga sa buong pamilya ay mahalaga upang magkaroon ng malusog na populasyon ng elepante. Nakatukoy at nasubaybayan na ng Save the Elephants ang mahigit sa 70 pamilya ng elepante sa Samburu. Samahan sila sandali.

Isang mensahe mula kay
Iain Douglas-Hamilton


Pumasok ako sa isang kamangha-manghang mundo 50 taon ang nakakaraan, noong sinimulan kong pag-aralan mga elepante ng Lake Manyara, Tanzania. Nabighani ako nang panghabang-buhay ng mga kahanga-hangang hayop na ito at ng napakalaking lupain na kanilang tinitirhan -- makakapal na gubat, malalawak na kapatagan, mga paikut-ikot na ilog, mga lanaw, mga bulkan at tuluy-tuloy na pag-agos ng lava, mula palumpong hanggang sa pinakamatataas na tuktok ng bundok.

Ang Samburu ay isa sa mga lupaing ito, at para sa akin, ito ang pinakamahalaga dahil ito ang tinuturing kong aking tahanan. Nasasabik akong ibahagi ang lugar na gustong-gusto ko sa Street View, at payagang malibot ng mga taong mula sa lahat ng dako, ang buong lupain ng mga elepante sa isang paglalakabay ng pagtuklas sa digital na paraan. Umaasa kami na ang masaksihan ang dakong ito sa Google Maps at Google Earth ay makapagbibigay sa iyo ng mas malalim na pag-unawa sa mga elepante, bagay na maaaring maging pagkilos para sa kanilang kapakanan.

Kailangan ng mga elepante at ng iba pang mga hayop sa ang ating tulong. Dapat nating bigyan ng pagkakataon ang kariktan ng kalikasan na manatili kasamnatin. Dinala namin ang mga elepante ng Samburu online para "makilala" sila ng mga tao, masaksihan ang ganda ng kanilang habitat at malaman ang kanilang pangangailangan para sa agarang pagkilos upang maprotektahan sila. Kapag mas nauunawaan natin ang mga naninirahan sa kalikasan, mas matutulungan natin silang mabuhay at manatili sa planetang ito. Samahan kami sa aming laban upang maprotektahan ang mga elepante ng Africa.

—Iain Douglas-Hamilton, PhD, CBE
Founder, Save the Elephants
September 15, 2015

Maglaan ng kaunting oras para sa Save the Elephants


Mula sa mga survey sa himpapawid hanggang sa mga GPS collar, ang STE ay isa sa mga nangungunang organisasyon sa mundo para sa pagsasaliksik tungkol sa mga elepante. Kilalanin ang pangkat ng mga masigasig na siyentipiko at tagapagtaguyod na naggugol ng kanilang buhay sa pagsisikap na mabigyan ng mas secure na hinaharap ang mga elepante.

Matuto nang higit pa

Save the Elephants

Layunin ng Save the Elephants na tiyaking magkakaroon ng hinaharap ang mga elepante, mapanatili ang integridad ng ekolohiya ng mga lugar kung saan naninirahan ang mga ito, ipaalam sa mga tao ang nakakamanghang talino at malawak na mundo ng mga ito, at bumuo ng mapayapang kaugnayan sa pagitan ng dalawang species.
savetheelephants.org

David Sheldrick Wildlife Trust

Hango sa pag-ibig ng isang pamilya para sa Kenya at sa mga ilang nito, ang David Sheldrick Wildlife Trust ay ang pinakamatagumpay na programa para sa pagliligtas at pagpapanumbalik sa dating kalagayan ng mga ulilang elepante sa mundo sa ngayon, at isa sa mga nangungunang organisasyon sa pangangalaga para sa proteksyon ng wildlife at habitat sa East Africa. sheldrickwildlifetrust.org

Lewa Wildlife Conservancy

Ang Lewa Wildlife Conservancy ay isang naparangalang tagapanguna at halimbawa para sa pangangalaga ng komunidad, isang UNESCO World Heritage Site at tinatampok sa Green List ng International Union for the Conservation of Nature ng mga matagumpay na protektadong dako. Ang Lewa ay ang sentro ng pangangalaga sa wildlife, napapanatiling pag-unlad at responsableng turismo sa hilagang Kenya. lewa.org


Ang Pamahalaan ng Samburu County

Natirhan na kahit ng mga pinakasinaunang tao ang rehiyon ng Samburu, at nakatalaga ang lokal na pamahalaan sa pagpapahusay ng kapakanan ng mga tao, hayop at ng heograpikong lupain ng rehiyong ito. Sa pamamagitan ng mga proyektong nakatuon sa ekonomiya, pag-aaral ng imprastraktura at proteksyon ng wildlife, layunin ng pamahalaan ng Samburu na gawing mas madaling puntahan at mas ligtas ang rehiyon. samburu.go.ke

Kenya Wildlife Service

Ang KWS ay nakatalaga sa pagliligtas sa huling kahanga-hangang uri ng mga hayop at sa mga lugar sa mundo para sa sangkatauhan. Nagsisikap sila upang mapangalagaan, mapangasiwaan at mapaganda ang wildlife ng Kenya at ang mga habitat nito, at makatulong sa publiko sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng pakikipag-collaborate sa mga stakeholder para sa mga susunod na henerasyon.
kws.go.ke

Google Earth Outreach

Ang Google Earth Outreach ay isang programang partikular na idinisenyo upang makatulong sa mga non-profit na organisasyon at organisasyong nakatuon sa kapakanan ng publiko sa buong mundo na magamit ang kahusayan ng Google Earth at Maps upang ilarawan at isulong ang mahalagang trabaho na kanilang ginagawa. Nakatuon ang mga proyekto ng Earth Outreach sa kapaligiran, pangangalaga sa kultura, pagkakawanggawa at marami pang iba. google.com/earth/outreach