Maglakbay pabalik sa panahon
Halos 5,000 taon na ang nakalipas, sa labas ng sinaunang lungsod ng Memphis, nagpatayo ang mga Egyptian ng mga pyramid bilang libingan para sa kanilang mga hari. Nakatayo pa hanggang ngayon ang mga monumentong ito sa lungsod ng Giza. Mag-zoom in upang i-explore ang mga ito.
Pagpapatayo ng isang higanteng halimaw:
Ang Great Pyramids
TAONG NAKALIPAS
4,500
BLOKENG GINAMIT
2,300,000
TAON UPANG MAITAYO
20
Paghuhukay para sa katotohanan
Ilang siglo nang pinag-aaralan ng mga Egyptologist at archaeologist ang mga
Pyramid, subalit
marami pa ring hindi nalalaman tungkol sa kasaysayan ng mga ito.
Ano ba ang siguradong alam natin?
KASAYSAYAN
KASAYSAYAN
Alam natin na nagsimula ang konstruksiyon sa unang Pyramid noong mga 2600 BC, sa panahon ng Fourth Dynasty, isa sa 31 dynasty sa kasaysayan ng Egypt. Bahagi ng Old Kingdom ng Egypt, ang Fourth Dynasty na naghari sa Egypt mula 2613 hanggang 2494 BC, higit sa 2,500 taon bago kay Queen Cleopatra.
LOKASYON
LOKASYON
Alam natin na itinayo ang Pyramids sa labas lamang ng sinaunang Egyptian na lungsod ng Memphis, kabisera ng Fourth Dynasty at ang tahanan ng Mga Pharaoh na nagtayo ng mga ito. Kapaki-pakinabang ang kalapitan ng lungsod sa Ilog Nile sa transportasyon ng mga materyales ng gusali sa site ng Giza Necropolis.
LAYUNIN
LAYUNIN
Alam nating itinayo ang Pyramids bilang libingan para sa mga pharaoh (o mga hari) ng sinaunang Egypt upang pangasiwaan ang kanilang mga paglalakbay sa kalangitan. Pagkatapos ng kamatayan, ginagawang mummy ang isang pharaoh at ipinapaloob sa isang kabaong na gawa sa kahoy at sarcophagus na gawa sa bato. Inililibing siya kasama ng mga mahalagang item para sa kabilang buhay, mula sa mga gamit sa bahay hanggang sa mga mamahaling gamit. Itinayo ng mga pharaoh ang mga pyramid hindi lamang upang paglagyan ng kanilang mga katawan, ngunit upang mag-iwan ng legacy ng kanilang kapangyarihan.
MGA MATERYALES
MGA MATERYALES
Alam natin na pangunahing itinayo ang Pyramids gamit ang limestone, ngunit ginamitan rin ang mga ito ng granite, mortar, basalt at putik para sa pagpapatayo. Ang karaniwang bloke ay may bigat na 2.5 tonelada, at maaaring nagmula pa sa hanggang sa 800 km (500 milya) ang layo sa pamamagitan ng barko. Pinagdedebatihan pa rin kung paano nabuhat ang mga bato patungo sa kinalalagyan nito ngayon. Humigit-kumulang 5,500,000 tonelada ng limestone ang ginagamit para sa Great Pyramid, na higit pa sa sampung beses ang bigat sa Burj Khalifa, pinakamataas na gusali sa mundo.
PAGGAWA
PAGGAWA
Alam natin na libu-libong tao ang nagtayo sa mga Pyramid, bagama't walang paraan upang malaman kung ilan talaga sila. Dati, pinaniwalaang itinayo ang mga ito ng mga aliping manggagawa, ngunit alam na natin ngayon na nagtrabaho, namuhay at inilibing doon ang mga kinokontratang manggagawa. Isang grupo ng manggagawa ang umukit ng kanilang palayaw sa loob ng Pyramid na kanilang itinayo: 'Ang Mga Lasenggo ng Menkaure'
Milyun-milyong tao ang naglakbay sa kalsadang ito upang bisitahin ang isa sa
mga pinakasikat na landmark sa Daigdig. Sa kalayuan, maaari mong makita ang
mga pyramid ng Khufu, Khafre at Menkaure na nakatayo na tulad ng mga bundok
na ginawa ng tao.
I-explore ang lugar na ito
Maglakad nang malapitan sa Pyramid of Khafre at isiping binabalutan ito ng
makinis na puting bato. Sa paglipas ng mga taon, ninakaw ang orihinal na
casing na bato, kasama ang maraming artifact mula sa loob ng mismong
libingan. Umikot nang 180-degrees upang makakuha ng isang view ng Pyramid of
Menkaure.
I-explore ang lugar na ito
May katawan ng isang leon at ulo ng isang tao, nakaupo ang Great Sphinx sa
silangang dulo ng complex. May sukat na 73 metro ang haba at 20 metro ang
taas (241 x 66 talampakan), isa ito sa mga pinakamalaking eskultura sa mundo.
Tingnan nang malapitan: nawawala ang kanyang ilong (bagama't hindi pa
makumpirma ng mga historian kung paano niya nawala ito).
I-explore ang lugar na ito
Libutin ang Great Pyramids
Kumuha ng isang self-guided na tour sa pamamagitan ng mga pangunahing atraksyon ng Giza Necropolis, at i-explore ang isa sa mga pinakasikat na archaeological site sa Mundo.
Ang Pyramids of Giza ay ilan sa mga pinakaluma at pinaka-kamangha-manghang mga istraktura sa Mundo. Itinayo libu-libong taon na ang nakaraan, nakatayo ang mga ito bilang isang patunay sa mga katuparan ng engineering ng mga nakaraang sibilisasyon. Maglakbay pabalik sa panahon at tuklasin ang mga sinaunang kababalaghang ito.
Ang pyramid ay isang hugis na may mga tatsulok na gilid na nagtitipon sa isang apex sa pinaka itaas. Mayroong higit sa 100 pyramid sa Egypt, itinayo ang karamihan sa mga ito bilang libingan para sa mga pharaoh, bagama't walang kasing kilala tulad ng Mga Pyramids ng Giza. Matatagpuan din ang mga pyramid sa iba pang bahagi ng mundo, kabilang ang Italy, India at Mexico.
Itinayo ang Pyramids of Giza 4,500 taon na ang nakakaraan sa panahon ng Fourth Dynasty, ang ginintuang panahon ng Egypt. Inabot sila ng halos 85 taon upang itayo at binuo ng tatlong henerasyon ng mga Pharaoh: Khufu, ang kanyang anak na lalaki na si Khafre at ng apong lalaki na si Menkaure. Nasa tabi ng kanilang mga libingan ang tatlong mas maliit na Queens' Pyramids.
Ang Great Pyramid, na itinayo ni Khufu, ay ang una at pinakamalaking pyramid
sa Giza. Nakatayo na may 139 metro ang taas (455 ft), ito ang pinakamataas na
istrakturang ginawa ng tao sa Daigdig sa loob ng halos 4,000 taon. Nakahanay
ang pyramid sa mga cardinal na direksyon, at nakaharap nang halos eksakto sa
hilaga, isang kamangha-manghang gawa ng arkitektura.Sa tabi ng Great Pyramid
ay ang Khufu ship, isang buung-buong solar na bangka na inilaan
upang dalhin ang pharaoh sa kabilang buhay.
I-explore ang lugar na ito
Lumilitaw ang may puting tuktok na Pyramid of Khafre bilang ang pinakamalaki
sa tatlong pyramid, ngunit isa itong ilusyon: bagama't mas maliit sa taas,
itinayo ito sa mataas na bedrock upang lumitaw na mas mataas. Sa pambihirang
paraan, ang mga simetrikong gilid at magkakahawig na anggulo ng pyramid na
ito ay nakamit gamit ang mga pangunahing tool tulad ng mga cubit rod at plum bob.
I-explore ang lugar na ito
Ang Great Sphinx ay isang iskulturang limestone na naglalarawan ng malamang
na ulo ni Haring Khafre na nakapatong sa katawan ng isang leon. Ang Sphinx ay
isang mythical na nilalang na pinaniniwalaan ng mga pharaoh na magdadala sa
kanila ng magandang pabor sa diyos ng araw sa kabilang buhay. Sa loob ng mga
siglo, natabunan ang karamihan ng Great Sphinx sa pabagu-bagong buhangin ng
disyerto, ngunit ganap na itong nahukay ngayon.
I-explore ang lugar na ito
Ang ikatlo at pinakamaliit na Pyramid ng Giza ay ang libingan ni Menkaure,
matatagpuan sa katimugang dulo ng complex. Ang Menkaure ay naging isang
pinagmulan ng parehong mahahalagang artifact at mga pagkabigo sa panig ng
archaeology. Una, natuklasan na ang mga buto ng taong natagpuan mula sa loob
ay mula pala sa iba pang site, pagkatapos ang isang sarcophagus na nahukay sa
loob ng pyramid ay lumubog sa isang shipwreck.
I-explore ang lugar na ito
Walang sinuman ang nakatitiyak kung paano itinayo ng sinaunang lipunan na ito ang mga monumento na ubod ang laki. Kabilang sa pagpapatayo ng mga pyramid ang paglipat ng napakalalaking bloke ng bato patungo sa Giza Plateau, pagkatapos ay gamit ang mga rampa, pulley at lever ay pagpagpatung-patungin ang mga ito sa mga perpektong anggulo. Libu-libong mga bayad na manggagawa (hindi mga alipin) ang nagtayo ng Great Pyramids, na mas teknikal na advance kaysa sa mas naunang estilong step pyramid.
Pagkamatay ng isang Pharaoh, inaabot nang hanggang 70 araw upang i-mummify ang katawan, kabilang ang pag-alis ng utak at mga lamang-loob. Ang mummy ay 'muling ina-animate' pagkatapos sa pamamagitan ng isang serye ng mga ritwal, kabilang ang seremonya ng 'Pagbubukas ng Bibig' upang matulungan ang pharaoh na makahinga at magsalita sa kabilang buhay. Inilalagay ang mga mummy pagkatapos sa isang kabaong na gawa sa kahoy at sa sarcophagus na gawa sa bato. May maskara ang ilang mga mummy, tulad ng mas bagong halimbawa ng maskara ni Haring Tut mula sa Google Cultural Institute.
Itinayo ang Pyramids sa labas ng lumang kabisera ng lungsod, ang Memphis, at nakatayo ngayon sa isang maigsing biyahe mula sa kasalukuyang kabisera ng Egypt, ang Cairo. Habang maginhawa ito para sa mga turista, ang kalapitan ng mga ito sa lumalagong lungsod ay lumikha ng mga hamon para sa Pyramids, kabilang ang polusyon sa ingay, ilaw at hangin.
Tuklasin ang isang kababalaghan ng mundo
Pinangalanan ang Great Pyramid bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World
noong ika-2 siglo BC, at ito na lamang ang natatanging nakatayo pa rin. Alamin
ang higit pa tungkol sa mga kamangha-manghang kagagawan ng engineering ng tao.
Isang napanatiling pamana ng nakaraan
Itinayo ang Mga Pyramid ng Giza upang manatili magpakailanman. Sa ngayon, nagtagumpay ang mga ito: ang Great Pyramid ang huling natitirang kababalaghan ng sinaunang mundo.
Ang arkitektura ng mga istruktura na ito ay napakapambihira na hindi pa rin tiyak ng mga historian kung paano itinayo ng mga sinaunang Egyptian ang mga ito nang walang tulong ng modernong engineering. Pagkatapos ng 4,500 taon ng pagkakalantad sa mga elemento, nananatiling nakatayo ang mga Pyramid tulad ng mga bundok na gawa ng tao, na sumasalamin sa ingenuity ng mga taong nagtayo sa mga ito. Nananatili ang pamana ng sinaunang Egypt sa pamamagitan ng mga monumentong ito.
Ngayon, gamit ang Street View, nanatili ang Pyramids sa isang buong bagong paraan. Nasa bahay ka man, trabaho o paaralan, i-drag lamang ang iyong daliri o cursor sa buong screen at hayaang dalhin ka ng modernong teknolohiya sa isang 360-degree na paglilibot ng mga sinaunang teknolohiya.
Maaari mo ring bisitahin ang iba pang mga Egyptian na site sa Street View, kabilang ang necropolis ng Saqqara, ang Citadel ng Qaitbay, ang Cairo Citadel, ang Hanging Church at ang mga labi ng Abu Mena.
Tingnan ang mga panorama ng pyramid
Bumalik sa agos ng panahon habang naglilibot ka sa Pyramids ng Giza, na nasa Street View ngayon.