Great Barrier Reef, Australia

Sumisid sa pinakamalaking reef sa mundo

Isang mas malapitang pagtingin sa Great Barrier Reef


Ang koleksyon ng Great Barrier Reef ay bahagi ng unang pangkat ng mga panoramic na larawan sa ilalim ng dagat na idinagdag sa Google Maps, ang susunod na hakbang sa aming mga pakikipagsapalaran upang maibigay sa mga tao ang pinaka-komprehensibo, wasto at magagamit na mapa ng mundo. Gamit ang mga makulay at kamangha-manghang mga larawang ito hindi mo na kailangang maging isang scuba diver--o kahit matutong lumangoy--upang i-explore at maranasan ang anim sa mga pinakakamangha-manghang buhay na coral reef ng karagatan. Ngayon, kahit sino ay maaari nang maging ang susunod na virtual Jacques Cousteau at tumalon sa tubig na may mga sea turtle, isda at manta ray.

Simula ngayon, maaari mo nang gamitin ang Google Maps upang mahanap ang isang sea turtle na lumalangoy kasama ng isang pangkat ng isda, sundan ang isang manta ray, at maranasan ang reef sa paglubog ng araw. Maaari mo ring malaman ang higit pa tungkol sa mga reef na ito sa pamamagitan ng World Wonders Project, isang website na nagdadala sa moderno at sinaunang mga world heritage site sa online.

Nakisosyo kami sa The Catlin Seaview Survey, isang pangunahing siyentipikong pag-aaral ng mga reef sa mundo, upang gawing available ang mga kahanga-hangang mga larawan sa milyun-milyong mga tao sa pamamagitan ng tampok na Street View ng Google Maps. Gumamit ang The Catlin Seaview Survey ng isang espesyal na idinisenyong underwater camera, ang SVII, upang makuha ang mga larawang ito. Isa ka mang marine biologist, isang masugid na scuba diver o isang landlocked na landlubber, hinihikayat ka naming sumisid at i-explore ang karagatan gamit ang Google Maps.

Magbasa nang higit pa
I-explore sa Street View

I-trek ang Great Barrier Reef sa Google Maps

I-explore ang higit pang mga tanawin ng Great Barrier Reef

I-explore sa Street View