Sa loob ng limampung taon, naging launch point ang NASA Kennedy Space Center sa Florida para sa isang henerasyon ng teknolohiya at pag-explore ng space. Hindi mabilang na mga enthusiast (kabilang na ang isang ito) ang lumaking nananabik na makita ang isang space shuttle nang malapitan at maglakad sa landas ng mga astronaut. Ngayon, pinapahintulutan ng isang pakikipagtulungan sa pagitan ng NASA at Street View ang mga tao sa buong mundong makapagbiyahe sa isang lagusan sa outer space, at tingnan ang Kennedy habang nagbabago ito patungo sa isang multipurpose launch complex sa susunod na 50 taon ng space innovation. Ang lokasyong ito ang aming pinakamalaking espesyal na koleksyon ng imagery ng Street View sa ngayon, binubuo ng 6,000 mga panoramic na view ng mga pasilidad, at pagpapalawak ng aming misyon upang idokumento ang pinaka-kahanga-hangang mga lugar sa mundo.
Kabilang sa mga imaheng maaari mo na ngayong i-explore online kasama ang pag-click ng iyong mouse ay ang space shuttle launch pad, Vehicle Assembly Building at Launch Firing Room #4. Tumingin pababa mula sa tuktok ng napakalaking launch pad, sumilip pataas sa matayog na kisame ng Vehicle Assembly Building (mas mataas kaysa Statue of Liberty) at lumapit sa isa sa mga pangunahing engine ng space shuttle, na may sapat na lakas upang makabuo ng 400,000 lbs ng thrust. At kahit na pumasok na ang mga ito sa pagreretiro kamakailan, maaari ka pa ring makakuha ng isang malapitang, nakaka-engganyong karanasan sa dalawang mga Space Shuttle Orbiters--ang Atlantis at Endeavour--gamit ang Street View. Mula sa mga vantage point na ito, maaaring maranasan ng kahit sino ang kanyang pangarap noong bata pa na maging isang astronaut.
Gusto naming magpasalamat sa NASA para sa pagsasakatuparan ng proyektong ito at pagbibigay sa amin ng pagkakataong maglakad nang digital sa yapak ng lahat ng mga nangungunang mga astronaut, siyentipiko, inhinyero at technician na ginawang posible ang aming mga pangarap tungkol sa space.
Magbasa nang higit pa