Mt. Fuji, Japan

Maglakbay papunta sa isang cultural icon

Mas malapitang pagtingin sa Mt. Fuji


Ang Mt. Fuji, ang pinakamataas na bundok ng Japan, ay kilala sa buong mundo hindi lang dahil sa natural nitong ganda at pang-espiritwal na kahalagahan nito, ngunit dahil na rin sa namumutawi nitong impluwensya sa kulturang Japanese. Ang kasalukuyang dormant na bulkan na ito ay nagsilbing inspirasyon sa hindi mabibilang na dami ng haiku at woodblock print sa loob ng maraming siglo, at sa buong mundo, ang perpektong hugis apa nito ay naging isa sa mga iconic na simbolo ng Japan.

Inakyat ng koponan ng Google Maps ang buong 3,776 na metro hanggang sa tuktok ng Mt. Fuji, sa pagtahak sa tanyag na Yoshida trail. Binibigyang-daan ka rin ng koleksyon ng imahe ng Street View na i-explore ang buong paglakad sa paligid ng crater sa tuktok, at ang mabilis na zigzag sa pagbaba. Umaasa kami na ang 14,000 pano ng koleksyon ng imahe ay magbibigay sa mga aakyat ng ideya ng aasahang lupain na kanilang tatapakan — lalo na sa lahat ng sa gabi umaakyat na nangangapa sa dilim upang makita ang pagsikat ng araw sa pagputok ng bukang liwayway. Magbasa nang higit pa

I-explore sa Street View

I-trek ang Mt. Fuji gamit ang Google Maps

Mag-explore ng mas marami pang view ng Mt. Fuji

I-explore sa Street View