Ang Grand Canyon ay ang aming inaugural na koleksyon gamit ang Street View Trekker. Ang Trekker, ang aming pinakabagong aparatong taga-kalap ng imagery, ay isang naisusuot na backpack system na nagbibigay-daan sa aming pumunta sa mga lokasyong maa-access lamang sa pamamagitan ng paglalakad. Isang malaking pagkakataon ang kakayahang dalhin ang Street View sa liblib, mga mahirap na puntahang lugar, tulad ng Grand Canyon, na gawing naa-access ang kagandahan at kasaysayan ng mga lokasyong tulad ng mga ito sa isang pandaigdigang madla.
Perpektong setting ang malubak na lupain, mga gulod at matarik na mga daan ng Grand Canyon upang ipakita ang pag-andar ng Trekker. Hindi maa-access ang mga makitid na daan ng aming tradisyonal na mga kotse, trike, at trolley ng Street View, ngunit perpekto ito para sa naisusuot na backpack ng Trekker. Ginagawang hindi nakasasagabal at madaling kumilos ang compact na laki ng Trekker, habang awtomatikong nangangalap ng mga larawan habang kumikilos ito. Pinatatakbo ang Trekker ng isang Android na device at binubuo ng 15 lens sa pinaka-itaas ng mast, naka-anggulo ang bawat isa sa ibang direksyon na magbibigay-daan sa amin upang pagkabit-kabitin ang isang 360-degree na panoramic na tanawin.
Inabot ang isang pangkat ng 10 Googler at 5 Trekker ng 3 buong araw upang sapat na makuha ang mga pangunahing mga daan ng timog na gilid ng Grand Canyon. Dalawang pangkat ng Trekker ang nag-hike pababa sa Bright Angel Trail, nag-camp nang magdamag sa Phantom Ranch, at pagkatapos ay nag-hike sa susunod na araw sa kahabaan ng South Kaibab Trail. Tatlo pang pangkat ng Trekker ang nanatili sa tuktok ng Grand Canyon ang nangolekta ng imagery sa paligid ng rim pati na rin ang South Rim Trail. Nakipagsapalaran din ang aming pangkatg mangolekta ng imagery ng Meteor Crater, sa labas lamang ng Grand Canyon National Park.
Upang patuloy na gawing naiintindihan at tumpak ang Google Maps hangga't maaari, minimithi naming dalhin ang Trekker sa mas marami pang lugar na naa-access lamang sa pamamagitan ng paglalakad. Masaya naming inaabangan ang pagbabahagi ng mga koleksyon sa iyo sa hinaharap na magpapakita ng higit pang natatanging mga lugar sa buong mundo - mula sa mga daan sa gubat hanggang sa mga hakbang ng mga sinaunang kastilyo, at marami pang iba.
Magbasa nang higit pa