Gombe, Tanzania

Tuklasin ang mga tahanan sa gubat ng pananaliksik sa chimpanzee ni Jane Goodall

Maglakbay sa mga kagubatan
ng Africa


Ang Gombe National Park ay tahanan ng pinaka-dokumentadong populasyon ng chimpanzee na naninirahan sa kagubatan. Higit sa 50 taon na ang nakakaraan, sinimulan ni Dr. Jane Goodall ang kanyang gawain dito, at ang pamana ng siyentipikong pagtuklas ay nagpapatuloy hanggang sa araw na ito. Tingnan nang mas malapitan.

Pag-unawa at pagprotekta sa mga chimpanzee


Taon ng pananaliksik

54

ORAS NG OBSERBASYON

200,000

Kumpletong kasaysayan ng buhay

40

Isang araw sa buhay ng isang chimpanzee


Paano kaya ang manirahan sa kagubatan? Tumambay kasama ng mga Gombe chimp tulad nila Glitter at Gossamer at
alamin ang tungkol sa mga gawi ng mga nilalang na
may 98% na katulad ng ating DNA.

Isang mensahe mula kay Jane Goodall


Noong pumunta ako sa Gombe, nagsimula akong mag-obserba at mag-aral tungkol sa mga kahanga-hangang chimpanzee na naninirahan doon.  Dahil sa aking natutunan sa aking ilang taong pananaliksik sa Gombe, lumakas ang aking loob at humusay ako. Umaasa ako na ang iyong karanasan sa website na ito at sa koleksyon ng imahe sa Street View ay makapagbibigay sa iyo ng katulad na karanasan ng pag-aaral at pagtuklas.

Sa pamamagitan ng aking panahon sa Gombe at ng mga sumunod na taon, natutunan ko mismo kung gaano kahalaga para sa bawat isa sa atin na maunawaan ang mundong tinitirhan natin. Dahil magsisimula lang tayong magpahalaga kapag tunay tayong nakakaunawa, at magsasagawa lang tayo ng pagkilos kapag tunay tayong nagpapahalaga. Ganito nangyayari ang pagbabago. Ganito tayo gagawa ng mga pagbabagong kinakailangan natin upang mamuhay nang may balanse at pagkakaisa sa planetang ito na tinatawag nating tahanan.

—Dr. Jane Goodall, PhD, DBE at Tagapagtatag ng UN Messenger of Peace
, ang Jane Goodall Institute
Oktubre 21, 2014

I-explore ang Gombe
National Park


Tuklasin ang ilan sa mga daan-daang species na
naninirahan sa Gombe habang naglilibot ka sa mga beach trail
at mga landas sa kagubatan sa Street View.

Matuto nang higit pa

Namamahala ang Tanzania National Parks (TANAPA) ng 16 na parke sa buong bansa. Mula sa kagubatan ng Gombe hanggang sa Serengeti, pinoprotektahan ng TANAPA ang natural na ganda ng Tanzania at nagsusulong ng responsableng turismo sa at sa paligid ng mga pambansang yaman na ito.
Itinatag noong 1977, ipinagpapatuloy ng Jane Goodall Institute ang nangungunang pananaliksik ni Dr. Goodall tungkol sa pag-uugali ng mga chimpanzee, na nagpabago sa mga pang-agham na pananaw tungkol sa ugnayan sa pagitan ng mga tao at hayop. Ang JGI ay isang pandaigdigang lider sa pagsisikap na mapangalagaan ang mga chimpanzee at ang kanilang habitat, at kilala sa pagtatatag ng makabagong community-centered conservation sa Africa kabilang ang Roots & amp; Shoots, ang isang programang pangkabataan para sa kapaligiran na may mga grupo sa higit sa 120 bansa.
Ang Google Earth Outreach ay isang programa na partikular na idinisenyo upang makatulong sa mga non-profit at nagbibigay ng pakinabang sa pampublikong organisasyon sa buong mundo na magamit ang husay ng Google Earth at Maps upang ilarawan at itaguyod ang kahalagahan ng trabahong ginagawa nila. Nakatuon ang mga proyekto ng Earth Outreach sa kapaligiran, pangangalaga sa kultura, pagkakawanggawa at higit pa.