Galápagos Islands

Tuklasin ang Darwin's living laboratory

Mag-explore ng mga nakahiwalay na islang may bulkan

Nakapag-ambag ang mga obserbasyon at koleksyon ni Charles Darwin ng wildlife sa Galápagos noong 1835 sa kanyang theory of evolution by natural selection.

Sumama sa isang makabagong pakikipagsapalaran sa pagmamapa

Sa unang pagkakataon, gumagamit ang mga siyentipiko at mananaliksik ng koleksyon ng imahe ng Street View upang pag-aralan ang lupain, baybayin, at dagat ng Galápagos islands.

Tuklasin ang mga hayop na matatagpuan lang sa Galápagos

Ang Galapagos ay tahanan ng daan-daang endemic species ng wildlife, na hindi mahahanap saan man sa mundo.

Galápagos sea lion

Zalophus wollebaeki

Galápagos sea lion

Zalophus wollebaeki

IUCN Red List status: Endangered

Batay sa IUCN Red List ng Mga Threatened Specie Matuto nang Higit Pa

Ang kanilang malakas na kahol, mapaglarong ugali, at magiliw na liksi sa tubig ang dahilan na sila ang "partidong sumasalubong" ng mga isla. Matatagpuan ang mga Galápagos sea lion sa bawat isa sa mga iba't ibang isla ng arkipelago ng Galápagos.

Blue-footed Booby

Sula nebouxii

Blue-footed Booby

Sula nebouxii

IUCN Red List status: Least Concern

Batay sa IUCN Red List ng Mga Threatened Specie Matuto nang Higit Pa

Madaling makikilala ang mga ito dahil sa kanilang katangi-tanging matingkad na asul na mga paa - ang asul na kulay ay galing sa mga pigment ng carotenoid na nakukuha nila sa kanilang diyeta. Ipinapakita ng mga lalaki ang kanilang mga paa sa isang masinsinang ritwal sa pakikipagtalik sa pamamagitan ng pagsalit-salitang pagtaas ng bawat paa.

Galápagos Giant Tortoise

Chelonoidis nigra

Galápagos Giant Tortoise

Chelonoidis nigra

IUCN Red List status: Vulnerable

Batay sa IUCN Red List ng Mga Threatened Specie Matuto nang Higit Pa

Ang pinakamalaking nabubuhay na mga specie ng tortoise, na may tagal ng buhay na higit sa 100 taon, isa ito sa mga verterbrate na may pinakamahabang buhay. Katutubo ang tortoise sa pitong isla sa Galápagos Islands - ngunit iba-iba ang laki at hugis ng shell ng mga populasyon.

Galápagos Marine iguana

Conolophus subcristatus

Galápagos Marine iguana

Conolophus subcristatus

IUCN Red List status: Vulnerable

Batay sa IUCN Red List ng Mga Threatened Specie Matuto nang Higit Pa

Matatagpuan lang sa Galápagos Islands, may kakayahan ito na, natatangi sa mga butiki ngayon, na mamuhay at humanap nang pagkain sa dagat, na dahilan kung bakit isa itong marine reptile. Kayang sumisid ng iguana nang lampas sa 9 m (30 ft) sa tubig.

Magnificent Frigatebird

Fregata magnificens

Magnificent Frigatebird

Fregata magnificens

IUCN Red List status: Least Concern

Batay sa IUCN Red List ng Mga Threatened Specie Matuto nang Higit Pa

Ang Magnificent Frigatebird on the Galápagos Islands ay katangi-tangi ayon sa genetics at morphology kaysa sa iba pang mga frigatebird; hindi ito nakikilahi sa mga kauri nila sa mainland sa loob ng ilang daang taon na.

Close

Magsiyasat gamit ang mga nakakahimok na 360º view

Nagbibigay ang detalyadong imagery sa mga mananaliksik at mga enthusiast ng firsthand view. Ano ang maaari mong makita?

I-explore ang higit pang 360º na panoramic na mga larawan sa Mga View

Kilalanin ang mga trekker ng Galapagos

Charles Darwin Foundation

Ang Charles Darwin Foundation para sa Galápagos Islands (CDF) ay isang internasyonal na non-profit na organisasyong pang-agham. Nagtatrabaho na ang CDF sa Galápagos simula pa noong 1959 na may malinaw na misyon na tutukang makipagtulungan sa mga institusyong pampamahalaan, na nagbibigay ng kaalamang pang-agham upang tiyakin ang pagpapanatili ng Galápagos.

Directorate ng Galápagos National Park

Ang Directorate of the Galápagos National Park (GNPD) ang responsable para sa pagpapanatili ng integridad ng ecology at biodiversity ng mga insular at marine ecosystem ng mga pinoprotektahang lugar ng arkipelago, at ang makatuwirang paggamit ng mga produkto at serbisyo ng ecosystem na nabubuo ng mga ito para sa komunidad.

Google Earth Outreach Team

Ang Google Earth Outreach ay isang programa mula sa Google na ispesipikong idinisenyo upang makatulong sa mga non-profit at nagbibigay ng benepisyo sa publiko na organisasyon sa buong mundo na magamit ang lakas ng Google Earth at Maps upang ilarawan at itaguyod ang kahalagahan ng trabahong ginagawa nila sa mga bahaging tulad ng: kapaligiran, pangangalaga sa kultura, pagkakawanggawa at marami pang iba.

Catlin Seaview Survey

Ang Underwater Earth ay ang not-for profit na kompanya sa likod ng Catlin Seaview Survey - isang siyentipikong pag-aaral sa paglikha ng isang baseline record ng mga coral reef sa mundo, sa high-resolution 360-degree na panoramic vision. Magagawa ng proyektong ito na masubaybayan ang mga pagbabago sa paglipas ng panahon at tutulong sa atin na maunawaan ang mga isyung hinaharap ng mga reef at kung paano protektahan ang mga coral reef.

Mag-explore ng higit pang mga view ng Galápagos Islands

I-explore sa Street View