Ilog ng Colorado

Mag-navigate sa Pinaka Endangered na Ilog ng America

Pinaka Endangered na Ilog ng America

  • Larawan ni Paxson Woelber

    6 na milyong taong nilikha

    Sa loob ng 6 na milyong taon, inukit ng Colorado River ang lugar nito sa Mundo. Sinasaklaw nito ang higit sa 1,450 milya, mula sa Rocky Mountains sa Colorado at nagtatapos sa Gulf of California sa Mexico. Ang Colorado River ay nagsisilbing lifeline ng tigang na Kanlurang Estados Unidos. Dumadaan ito sa 7 state, 2 bansa, at 9 na pambansang parke, na nagpapasagana sa buhay ng 36 na milyong tao at endangered na wildlife. Milyun-milyon ang nakasalalay sa ilog para sa patubig, supply ng tubig, at hydroelectric power. Gayunpaman, ginawang endangered ng labis na paggamit ng tubig at makalumang pamamahala ang Colorado River.

  • Larawan ni Peter McBride

    Isang endangered na ilog

    Ang Colorado River ay isa sa mga pinaka na-dam, inilihis, at na-plumb na ilog sa mundo - sa oras na umabot ang Colorado River sa Gulf of California sa Mexico, naigahan na nang husto ang ilog kaya tuyo na ito. Dahil sa mga kadahilanang ito, tinawag ito ng American Rivers bilang ang Pinaka Endangered na Ilog ng America noong 2013. Habang ang climate change at ang paglaki ng populasyon ay mga salik sa pagkasira ng ilog, ang pinakamalaking banta ay ang makalumang pamamahala ng tubig. Ang tubig ng ilog ay inilalaan nang labis. Sa puntong ito, wala nang sapat na tubig upang suportahan ang lahat ng tao at lahat ng bagay na umaasa dito. Nasa tunay na panganib ang Colorado River at nakasalalay dito ang isang recreation economy, supply ng tubig, at wildlife habitat. Upang malaman ang higit pa, bisitahin ang American Rivers.

  • Tulungang dumaloy ang ilog

    Nakipagtulungan ang Google Maps sa American Rivers upang ilagay ang Colorado River sa Street View. Sumisid sa 360 imagery upang lumutang pababa sa ilog mula sa Lake Powell hanggang sa Lake Mead at tingnan ang kabuuang haba ng Grand Canyon National Park mula sa ilog. Magsagwan sa 279 na milya ng malamig na tubig, o mag-hike paakyat sa isa sa 5 trail patungo sa mayamang pulang mga pader ng mga side canyon. Ang aming pagtutulungan ay magpapanatili ng Colorado River sa Street View, ngunit bisitahin ang American Rivers upang malaman kung paano protektahan at ipanumbalik ang endangered na ilog na ito para sa pangmatagalan.

I-explore ang Colorado River

Mag-explore ng higit pang mga tanawin ng Colorado River

I-explore sa Street View