Churchill, Canada

Polar Bear Capital ng Mundo

Isang mas malapitang pagtingin sa Churchill


Walang maikukumpara sa lakas at kahinaang nararamdaman kapag kaharap mo ang isang polar bear. -Karin Tuxen-Bettman, Google Earth Outreach

Habang patuloy na nagiging mas malinaw ang climate change, tinitingnan bilang panukat sa mga pagbabago sa kapaligiran ang mga polar bear. Malinaw na nakikita ang epekto ng pag-init ng ating planeta sa Churchill, Canada. Ang tahimik na bayan na ito, na nakapuwesto sa baybayin ng kanluran ng Hudson Bay, ay isang lugar kung saan magkasamang namumuhay ang mga polar bear at mga tao hanggang mabuo ang yelo sa dagat at maaaring maglakbay ang mga polar bear sa baybayin upang manghuli ng mga seal, ang kanilang pangunahing biktima.

Sa panahon ng mas maiinit na mga buwan, napipilitan sa pampang ang mga polar bear dahil sa pagkatunaw ng yelo. Habang mukhang isang paunti-unting proseso ang climate change, madalas na mahirap mabatid, ang epekto ay tunay at malinaw sa mga polar bear capital. Sa Churchill, pinaikli ng climate change ang panahong nanatiling buo ang bay dahil sa lamig, na nagbabawas sa hunting season ng mga polar bear sa humigit-kumulang apat na linggo.

Para sa trek na ito, inimbitahan ng Polar Bears International, isang organization na nakatuon sa kapakanan ng mga marilag na nilalang na ito, ang Google sa Canadian Arctic upang makunan ang bihirang mga pagsulyap sa mga bear. Sama-sama, nakakolekta ang PBI, Earth Outreach, at Google Maps ng imagery ng Street View sa loob at sa paligid ng Churchill at Wapusk National Park, na nagpapalawak sa mga pagsusumikap ng PBI sa edukasyon at maabot ang mga tao sa buong mundo.

Sa pamamagitan ng Street View, maaari mong maranasan mismo ang buhay sa tundra. Magpatuloy sa pag-scroll upang matuto nang higit pa tungkol sa mga bear at sa kanilang tahanan, ang mga epekto ng climate change, at ang ginagawa ng PBI upang isulong ang dahilan ng konserbasyon ng polar bear.

Magbasa nang higit pa
I-explore sa Google Maps

Mag-trek sa Churchill kasama ang Google Maps

I-explore ang higit pang mga view ng Churchill

I-explore sa Street View