ᐃᖃᓗᐃᑦ

Iqaluit, Canada

I-explore ang Canadian Arctic

Saan sa mundo ang Iqaluit?

ᓱᑯᑦᑎᐊᓃᒃᑲᓗᐊᕐᖓᑦ ᐃᖃᓗᐃᑦ?

Lakarin ang mga nagyeyelong landas ng Canadian Arctic

ᐱᓱᕝᕕᒋᓗᒋᑦ ᐊᐳᑏᑦ ᐊᖅᑯᑎᖏᑦ ᐅᑭᐅᖅᑕᖅᑐᒥ ᑲᓇᑕᒥ

 
 

Magsagawa ng isang guided audio tour

ᕿᒥᕐᕈᒍᓐᓇᖅᑕᐃᑦ ᓂᐱᓕᐅᕐᓯᒪᔪᒥᒃ ᑐᓴᕋᓐᓈᓯᓐᓈᕐᓗᑎᑦ

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
  • Maligayang Pagdating Sa Iqaluit
  • Dogsled Adventure
  • Isang Kasaysayan ng Mga Explorer

Kilalanin ang mga sled dog ng Iqaluit

"May kasabihan kami sa Hilaga: maliban na lamang kung ikaw ang nangungunang sled dog, ang tanawin ay medyo magkakapareho" - Chris Kalluk, volunteer Trekker

ᑕᑯᔭᕆᐅᕐᓗᒋᑦ ᕿᒧᔅᓰᑦ ᐃᖃᓗᓐᓂ

Pagma-mapa sa Hilaga ng Canada

ᓇᓗᓇᐃᒃᑯᓯᕐᓗᒍ ᓄᓇᙳᐊᒥ ᐅᑭᐅᖅᑕᖅᑐᖅ ᑲᓇᑕᒥ

  • Pag-trek sa Canadian Arctic

    Nakikilala mo ba ang camera sa pinaka-itaas ng bagong backpack ng Trekker? Ito ang parehong teknolohiyang ginamit sa kotse ng Street View. Maaaring makakuha ang Trekker ng imagery ng mga lugar na naa-access lamang sa pamamagitan ng paglalakad, tulad ng mga nagyeyelong kalsada ng Iqaluit. Inimbitahan ng residente ng Nunavut na si Chris Kalluk ang Google Maps sa Arctic ng Canada upang mapabuti ang online na mapa ng lugar. Sinanay ng Google Earth Outreach si Chris upang patakbuhin ang image collection equipment, na nagbigay-daan sa kanya upang ipagpatuloy ang pagkuha ng imagery ng iba pang mga lokal na komunidad.

  • Pagmamapang Pinangunahan ng Komunidad

    Madalas, ang pinakamahusay na paraan upang mapabuti ang isang mapa ay ang gamitin ang kaalaman ng mga lokal. Ang NGO sa pag-claim sa lupain ng Inuit na Nunavut Tunngavik Inc. at ang pamahalaan ng Iqaluit ay nagtatag ng isang MapUp ng komunidad, kung saan ginamit ng mga volunteer ang Google Map Maker upang magsumite ng mga update sa mapa ng Iqaluit. Kapwa nagdagdag ng mga kalsada, gusali, ilog at lawa ang mga estudyante sa high school at nakatatanda sa Google Maps. Ngayon, maaari nang mahanap ng mga bisita sa Iqaluit ang mahahalagang palatandaan sa mapa, tulad ng Nunavut Legislative Building at Hudson’s Bay Company outpost.

  • Pagpupulong sa mga Nakatatanda

    Sa pamamagitan ng koordinasyon sa gobyerno ng Nunavut at konseho ng lungsod ng Iqaluit, nagawang ibahagi ng pangkat ng pagmamapa ang kanilang nagawa sa mga matatanda ng komunidad ng Iqaluit. Habang kumakain ng seal, caribou at Arctic char, inilatag ng pangkat ang nakaplanong mga pagpapabuti sa mapa, kasama ang isang paliwanag ng teknolohiya ng Trekker. Kaugnay nito, nagbahagi ng mga kuwento ang mga matatanda tungkol sa iba't ibang mga paraan ng mga mangangasong Inuit upang tradisyonal nilang iayon ang kanilang sarili sa lupain na hindi gumagamit ng mga mapa.

Google Maps Treks: Iqaluit

ᒎᒍᓪ ᓄᓇᙳᐊᓕᕆᔩᑦ ᐱᓱᕋᔭᑉᐳᑦ: ᐃᖃᓗᓐᓂ